Sa Patnanungan, Quezon, bumuo ng asosasyon ang mga residente ng Patnanungan Norte upang tuluy-tuloy na mapangalagaan ang kanilang proyekto sa ilalim ng Risk Resiliency Program thru Project LAWA at BINHI* ng DSWD.

Sa nasabing programa, binibigyan ng training at trabaho ang mga residente upang magpatupad ng mga proyektong makatutugon sa mga epekto ng tag-init at climate change.

Noong nakaraang Mayo 2024, natapos ng 166 na mga residente mula sa apat na barangay (Patnanungan Norte, Poblacion, Kilogan, at Amaga) ang iba’t ibang proyekto tulad ng communal gardens, hydroponic gardens, at water harvesting systems.

Sa ginawang monitoring visit ng mga staff ng DSWD sa mga proyekto noong Oktubre 11, masayang ibinahagi ni Rodel Pilago, presidente ng Binhi at Lawa Association ng Patnanungan Norte, na nagsisimula na silang kumita mula sa pagbebenta ng iba’t ibang produkto tulad ng lettuce, pechay, sitaw, talong, okra, sili, ampalaya, at pipino. Ang kanilang kinikita ay kanilang ginagamit na pambili ng seedlings at iba pang gamit para mas mapaunlad pa ang kanilang produksyon. [with reports from MGRCao]

*Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished)