Sa pagbabahagi ni Aneca Lemi, social worker sa Haven for the Elderly, masaya ang naging pagbabalik at pag-uwi ni Lolo Benjamin Gonzales sa kanyang kapatid na si Ana Etang sa Antipolo City.
Si Lolo Benjamin ay nairefer ng Rizal Provincial Hospital Annex I – Antipolo City sa Haven for the Elderly sa Tanay, Rizal noong Mayo 2023 matapos maging biktima ng isang aksidente. Sa loob ng Center ay inalalayan si Lolo Benjamin sa kanyang rehabilitasyon at sa pagkakaroong muli ng ugnayan sa kanyang kapatid.
Nitong Hunyo 14, sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Antipolo, ay matagumpay na na-discharge si Lolo sa Center at bukas na tinanggap ng kanyang kapatid sa kanyang tahanan.
Ang Haven for the Elderly ay isang pasilidad na pinangasisiwaan ng DSWD Field Office IV-A na nagbibigay kalinga sa mga senior citizens na naabandona, mag-isa, at napabayaan. Kasama sa pagbibigay-kalinga ay ang paghahanap ng sinumang kamag-anak ng mga residenteng Lolo’t Lola na maaaring makapagbigay aruga at atensyon sa loob ng kanilang tahanan. [with reports from ARLemi]