April 10, 2025 – Ang mga programa ng DSWD (tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Sustainable Livelihood Program, at Social Pension for Indigent Senior Citizens) ay mga programa ng nasyunal na pamahalaan at ipinatutupad sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.
Ang mga nasabing programa ay mayroong sinusunod na polisiya at proseso, lalong higit sa pagpili ng mga benepisyaryo.
Ngayong panahon ng eleksyon, pinapaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga benepisyaryo ng DSWD, na maging mapanuri sa mga sinasabi (tulad ng mga pangako, pananakot, o pang-aangkin) ng mga kandidato patungkol sa pagpapatupad ng anumang programa ng Kagawaran.
TANDAAN: Ang Kagawaran, at ang lahat ng programang ipinatutupad nito, ay nananatiling non-partisan o walang kinikilingang indibidwal o organisasyon. Sa lahat ng panahon, pinatitibay ng DSWD ang pakikipagtulungan sa lahat ng lokal na pamahalaan, maging sinuman ang halal na opisyal.
