Kung ang inyong sambahayan ay mayroong miyembro na buntis o batang edad 0 hanggang 24 buwan, i-update ang estado ng inyong sambahayan upang magkaroon ng karagdagang tulong-pinansyal sa ilalim ng First 1,000 Days (F1KD) cash grants sa 4Ps.

Para sa mas mabilis na proseso ng pag-update ng estado ng sambahayan, maaaring gamitin ang i-Registro, ang online updating platform ng DSWD.
Maaaring ma-access ang i-Registro sa: https://iregistro-4ps.dswd.gov.ph/
Tandaan na maaari lamang matanggap ang F1KD cash grants sa 4Ps kung ‘updated’ ang estado ng inyong sambahayan.