Kasalukuyang namamahagi ng iba’t ibang tulong ang DSWD, katuwang ng iba’t ibang donors mula sa pampubliko at pribadong sektor, sa mga pamilya ng mga nasawi dulot ng bagyong #KristinePH sa isang seremonya dito sa Talisay, Batangas.
Sa mensahe ni DSWD Undersecretary Pinky Romualdez, ipinaabot niya ang pakikiramay ng DSWD sa mga pamilya at ibinahagi na ang mga tulong mula sa iba’t ibang sektor na ipamamahagi ngayong araw ay inaasahang makatutulong para maibsan ang bigat n kanilang pinagdaraanan.
Maliban sa financial assistance, ang mga pamilya ay nakatanggap rin ng bigas, tubig, medical kits, nanay packs, grocery, at family food packs.
Ang pamamahagi ng nasabing tulong ay pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos kasama ang mga opisyal ng DSWD at ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas.