Noong Nobyembre 22, isa si Luby Asilo ng Rosario, Batangas sa 13 na mga indibidwal mula sa lalawigan ng Batangas na nakatanggap ng seed capital fund sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Ayon kay Asilo, na isang person with disability, gagamitin niya ang puhunan sa pagsisimula ng kanyang manicure at pedicure business. Dagdag pa niya, ito ay hindi lang magbibigay ng kita sa kanya kundi ay magbibigay din ng serbisyo sa kanilang komunidad.
“Ang pagkakaroon ng ganitong oportunidad na makapag-negosyo ay nagbibigay sa akin ng pag-asa at kumpiyansa na kaya kong makipagsabayan sa mga hamon ng buhay sa kabila ng aking pisikal na limitasyon,” dagdag ni Asilo.
Ang Sustainable Livelihood Program ay nagbibigay ng kapasidad at tulong-puhunan sa mga kwalipikadong pamilya para sa pagsisimula ng maliit na negosyo upang magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan ang kanilang mga pamilya. [with reports from AJLibao]