Sa bayan ng Pakil, Laguna, nasa 75 mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang sumailalim sa livelihood training na isinagawa ng Special Livelihood Office ng lalawigan ng Laguna noong Oktubre 19, 2024. Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ay ang paggawa ng dishwashing liquid, fabric conditioner, basahan, at kandila.
Ang nasabing training ay inisyatibo ng 4Ps Municipal Operations Office, sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Pakil at lalawigan ng Laguna, upang bigyan ng kakayahan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng dagdag-kita para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng kanilang mga pamilya.
Pagkatapos ng training, nagbigay din ang lalawigan ng Laguna ng mga starter kits para agarang makapagsimula ng kani-kanilang negosyo ang mga benepisyaryo. [with reports from JCLAzul]