Nasa 200 pamilya na nagtapos na bilang benepisyaryo ng 4Ps mula sa Nasugbu, Batangas ang nabigyan ng livelihood training mula sa Counterpart Resources Multipurpose Cooperative (CREMCOOP) noong Oktubre 7, 2024. Kabilang sa mga pagsasanay na ibinahagi ay ang paggawa ng liquid detergent, dishwashing liquid, at fabric conditioner.
Ayon kay 4Ps Municipal Link Myra Argosino, ang CREMCOOP ay lumapit sa 4Ps Municipal Operations Office upang makipagtulungan sa DSWD sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga pamilyang-benepisyaryo ng 4Ps.
Ang mga serbisyong katulad nito ay ang patuloy na inilalapit ng DSWD sa iba’t ibang organisasyon upang bigyan ng dagdag na kakayahan ang mga pamilya na patuloy na paunlarin ang kanilang pamumuhay lalong higit at nagtapos na ang mga benepisyo na kanilang natatanggap mula sa 4Ps. [with reports from MCArgosino]