Base sa report na nakalap ng DSWD Field Office IV-A mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan (as of September 3, 12 AM), nasa 3,973 na mga pamilya mula sa 154 barangay sa 50 lokalidad sa rehiyon ang naiulat na naapektuhan ng bagyong #EntengPH. Ang 3,576 na mga pamilya sa mga ito ay pansamantalang naninirahan sa 161 na evacuation centers.
Sa buong CALABARZON, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa iba’t ibang lokal na pamahalaan para sa pagmomonitor at assessment ng mga apektadong indibidwal at pamilya upang masuri at maibigay ang nararapat na suporta sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.