Masayang sinalubong ng mga Lolo’t Lola ng Haven for the Elderly ang bagong taon kasabay ng iba’t ibang Centers and Residential Care Facilities sa buong Pilipinas.
Noong Disyembre 31, ang mga residente ay sama-samang nagsalu-salo samantalang noong Enero 1, nagkaroon ng simpleng seremonya ang mga residente kasama ng mga staff ng nasabing Center.
Ayon kay Lolo Jose Simbajon, masaya siyang nakapagbahagi ng kanyang talento sa kanilang selebrasyon.
“Salamat sa napakasayang New Year namin. Mas’werte ako dahil napunta ako rito,” saad ni Lolo Jose.
Sa mensahe naman ni Ms. Marizal Bangniwan, Center Head ng Haven for the Elderly, kanyang binigyang-diin sa mga residente ang patuloy na pagiging masaya at pagkakaroon ng pagkakaisa sa taong 2024.
Ang Haven for the Elderly ay isang pasilidad ng DSWD Field Office IV-A na kumakalinga sa mga matatandang nakaranas ng pang-aabuso at/o wala o inabanduna ng kani-kanilang pamilya. [with reports from MGDVillamena]