Isang pamilya ang mga batang-residente at ang mga staff ng Bahay Tuluyan ng mga Bata (Home for Girls) sa Dasmariñas City, Cavite sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay OIC Center Head Rhodora Sajor, kahit sa simpleng pamamaraan, ang mga selebrasyon na katulad ng pagdiriwang ng Bagong Taon at Kapaskuhan ay malaking bagay sa mga residente ng pasilidad upang iparamdam sa kanila ang pagmamahal at pag-asa kahit na malayo sila sa kani-kanilang pamilya.
“Ang mahalaga sa mga ganitong selebrasyon ay maparamdam natin sa mga bata ang pagpapahalaga para sa kanilang mabuting kinabukasan anuman ang kanilang naranasan,” dagdag ni Sajor.
Ang Bahay Tuluyan ng mga Bata (Home for Girls) ay isang pasilidad ng DSWD na nagbibigay ng kalinga at panibagong pagkakataon sa mga batang babae na nakaranas ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso. [with reports from RBSajor]