Serbisyong DSWD sa CALABARZON: Supplementary Feeding Program

Mula 2022-2023, mayroong 194,148 na mga bata ang naging benepisyaryo sa implementasyon ng 12th cycle ng Supplementary Feeding Program. Mahigit 130,000 sa mga batang ito ay natulungang mapanatili ang timbang sa normal at 5,407 na mga bata naman ang tumaas ang timbang mula sa pagiging Severely Underweight o Underweight.

Ang SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM (SFP) ay ang pagbibigay ng karagdagang pagkain sa loob ng 120 araw sa mga batang naka-enroll sa child development centers. Ito ay ipinatutupad ng DSWD sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan bilang parte ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program ng pamahalaan.

***

Ang Serbisyong DSWD sa CALABARZON ay ang ulat ng DSWD Field Office IV-A tungkol sa mga programa at serbisyo na ipinatupad ng Kagawaran noong taong 2023 sa pagtutulungan ng mga kawani ng tanggapan, iba’t ibang ahensya ng nasyunal na pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, mga pribadong organisasyon, at mga benepisyaryo para sa tuluy-tuloy na pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga higit na nangangailangang pamilya at komunidad.